Biyernes, Oktubre 18, 2013

MGA PANGYAYARI NOON SA PILIPINAS

Kolonisasyon at Kristiyanisasyon


  Ang patakaran sa pagpapalawak ng mga bansang Europeo ay ang Merkantilismo. Ito ang namamayaning kaisipang pangekonomiya na gumagabay sa mga patakaran ng maraming bansa. Isinusulong ng Merkantilismo ang kaisipan ng lakas at kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng ginto at pilak. Masasabing bunga ng Merkantilismo ang Kolonyalismo. Ito ay sistema ng ugnayan sa pagitan ng mga bansa sa mundo kung saan direktang sinasakop ng malalakas na bansa ang mahihinang bansa upang pakinabangan ang mga ito.




  Anu-ano nga ba ang layunin sa pananakop ng mga Espanyol? Ito ay ang 3G;

God, Gold, Glory. God upang maipalaganap ang Kristiyanismo sa ating bansa; Gold upang maangkin ang Likas na Yaman ng ating bansa; at Glory upang magkaroon ng kapangyarihan at pamumuno sa ating bansa.
Isa din dito ang pagkuha ng pampalasa sa pagkain o panrekado (spices).


Nasyonalismong Pilipino

  Ang mga pangyayare nung ika- 19 na dantaon ang nakapag-ambag sa pagkabuo ng nasyonalismo sa mga Pilipino. Noong 1834 nagsimula ang pandaigdigang kalakalan. Ang Suez Canal ay lalo pang nagpabilis sa pagpasok sa bansa ng mga kaisipang liberal. Pinaiksi ng Suez Canal Ang Pangangalakal Mula Europeo papuntang Pilipinas. Si Carlos Maria De la Torre ang namuno sa makabuluhang  pagbabago sa lipunan noong 1869 hanggang 1871. Sina Mariano Gomez, Jose Burgoz at Jacinto Zamora ang tatlong paring hinatulan ntg kamatayan bilang manunulsol ng mga nag-aklas. Sila ay binitay sa Bagumbayan sa bintang na walang batayan. Pinag-isa bilang isang bayan ang mga damdamin ng mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan. Sa halip na mga dayuhan ang makinabang sa yaman ng bansa, mga Pilipino na ang nakikinabang kapag napaalis ang mga Kolonyalistang Umuubos sa ating mga Likas na yaman. Pagsapit noong 1882,  Itinatag sa Europa ang Kilusang Propaganda o Kilusang Repormista ng mga Ilustrado. Kabilang ditto sina Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. Del Pilar, Jose Rizal, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Maria Panganiban, Eduardo de Lete at marami pang iba. Pagsusulat ang kanilang pangunahing instrument upang maging payapa ang kanilang paglaban. Unang nailathala ang La Soladaridad sa Barcelona noong Pebrero 15, 1889 at noong Nobyembre 15, 1895 ang pinakahuli. Isang  lihim na kilusan ang naitatag sa Tondo, Maynila noong hulyo 7, 1892. Ito ay tinatawag na Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK. Kabilang dito sina Andres Bonifacio, Ladislao Diwa, at Teodoro Plata na bumuo ng Unang Tatsulok ng katipunan. Naging Gabay ang Kartilla ng Katipunan sa mga Kasapi ng Katipunan sa Pangaraw-araw na pamumuhay at pagkilos.


Ang Rebolusyong Pilipino 

  Noong Agosto 23, 1896 sa bahay ng anak ni Melchora Aquino na si Juan Ramos sa Pugadlawin. Sinimulan ng mga Katipunero ang himagsikan na pinangunguna ni Andres Bonifacio sa pamamagitan ng pagpunit ng kani-kanilang mga cedula personal . Ang kanilang pagpunit ng cedula ay sumasagisag sa kalayaan ng mga Pilipino sa kapangyarihan ng Espanya.  Ang pagpunit sa cedula sa Pugadlawin ay nakilala sa tawag na "Sigaw sa Pugadlawin". 


  Ang Kumbensyon sa Tejeros (mga kapalit na pangalan ay ang Kapulungan ng Tejeros at Kongreso ng Tejeros) ay isang pagpupulong na ginanap sa pagitan ng hating Magdiwang at Magdalo ng Katipunan sa San Francisco de Malabon sa Kabite noong Marso 22, 1897. Ito ang kauna-unahang pampanguluhan at pang-ikalawang panguluhang halalan sa kasaysayan ng Pilipinas kahit na ang mga Katipunero (mga kasapi ng Katipunan) at hindi ang pangkalahatang populasyon ang nakapaghalal


  Ang namuno Dito ay si Andres Bonifacio

Ang mga kasapi ay Sina:
Piniling Pangulo (ipinagpalit kay Andres) : Emilio Aguinaldo
Pangalawang Pangulo: Mariano Trias
Mga Direktor na pandigma: Artenio Ricarte, Kapitan Heneral at Emiliano Riego de dios
Direktor sa Panloob: Andres Bonifacio

  Nahati ang mga Rebolusyonaryo sa dalawa ang  Magdalo at Magdiwang

Ang namuno sa Rebolusyonaryong Magdalo si Baldomero Aguinaldo at sa Rebolusyonaryong Magdiwang ay si Mariano Alvarez.
 Tumutol si Daniel Tironana sa pagkakahalal kay bonifaio bilang Direktor na Panloob dahil hindi siya abogado mas mataas raw ang pinag-aralan ni Jose Del Rosario kaysa sa kanya at hindi niya kaya ang tungkulin, Lubos na ikinagali ito ni bonifacio at hiningi niya na humngi ng tawad . Hindi sumunod si Tirona bagkus ay Umalis. Sa galitni bonifacio ay Isinigaw niyang bilang supremo ng katipunan ay ipawawalann niya ng saysay ang mga nangyari sa kumbensyon kasama ng kanyang mga tagasunod.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento